Paul Soriano hindi PR machine ni Pangulong Marcos

By Chona Yu October 26, 2022 - 07:38 PM

 

Hindi bahagi ng public relation (PR) machine si Paul Soriano nang italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang director bilang Presidential Adviser for Creative Communications.

Paliwanag ng Pangulo, mali ang intindi ng taong bayan na ginamit niya si Soriano sa PR machine.

Tungkulin aniya ni Soriano na maghanap ng paraan para maitaguyod ang creative industry ng bansa.

Sa naturang sector kasi aniya nakitaan ng galing si Soriano.

“iyong kay Paul Soriano, people have misunderstood. He’s not there to be part of the PR machine. He’s there to find ways to promote the creative industry kasi doon siya galing eh. So pinagmamalaki… Kasama ‘yan sa tourism. Pinagmamalaki natin. Ang gagaling kumanta ng Pilipino. Ang gagaling umarte. Ang gagaling gumawa ng sine, et cetera, et cetera. We have to project that to the rest of the world. Iyan ang trabaho ni Paul,” pahayag ng Pangulo.

“So I hope that clarifies that,” dagdag ng Pangulo. 

Matatandaang si Soriano ang nag-direct sa unang State of the Nation Address ng Pangulo noong Hulyo.

Si Soriano rin ang namahala sa campaign commercials ni Pangulong Marcos.

Nabatid na ang ama ni Soriano ay pinsan ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Naging celebrity endorser din ng Pangulo noong panahon ng kampanya ang asawa ni Soriano ang TV host na si toni Gonzaga.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Paul Soriano, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., news, Paul Soriano, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.