Higit 400 aftershocks naitala matapos ang magnitude 6.4 earthquake
Hanggang kaninang alas-10 ng umaga, 409 aftershocks na ang naitala ng Phivolcs matapos ang magnitude 6.4 earthquake na yumanig sa ilang lalawigan sa Luzon kagabi.
Naitala sa magnitude 1.4 hanggang sa pinakamalakas na 4.8 ang aftershocks at lima sa mga ito ang naramdaman.
Samantala, kumpirmadong anim katao ang nasaktan sa Lagayan, Abra at ilang bahay din ang napinsala ng lindol.
Namahagi na ng relief packs ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.
May mga kalsada naman ang hindi halos madaanan dahil sa mga rockslides at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.