Pangulong Marcos hindi kumbinsido na natural causes ang pagkamatay ng middleman sa Percy Lapid murder case
Hindi kumbinsido si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na natural causes ang sanhi ng pagkamatay ni Crisanto Villamor, ang bilanggo sa New Bilibid Prison na sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Sa ambush interview sa Pangulo sa Manila Hotel, sinabi nito na sa ngayon, ay wala namang nakitang lason o gamot na ibinigay kay Villamor para patayin ito.
“The toxicology report came back and mukha talagang walang lason o walang gamot na ibinigay doon sa namatay,” pahayag ng Pangulo.
“But we still — still not satisfied that it was natural causes. Sabi ko, tingnan niyo nang mabuti because there are ways to kill a person that do not show up in the medico legal. So tuloy-tuloy pa ang imbestigasyon,” pahayag ng Pangulo.
Nais ng Pangulo na mahubaran ng maskara ang mastermind sa pagpapatay kay Lapid.
Pangulong Marcos hindi kumbinsido na natural cause ang sanhi ng pagkamatay sa itinuturong middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.@radyoinqonline pic.twitter.com/ByLfhmjfBG
— chonawarfreak (@chonayu1) October 26, 2022
Dumipensa rin ang Pangulo sa puna ng pamilya Lapid kaugnay sa kanyang pananahimik sa kaso.
Ayon sa Pangulo, hindi totoo ang alegasyon.
Katunayan, sinabi ng Pangulo na personal niyang minomonitor ang kaso ni Lapid.
Kinausap na rin ng Pangulo sina Interior Secretary Benhur Abalos at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para bantayan ang kaso ni Lapid. Tatlo o apat na beses kada araw na kinakausap ng Pangulo sina Abalos at Remulla.
Paliwanag pa ng Pangulo, hindi na kailangan na utusan ang Philippine National Police.
Alam na kasi aniya ng mga pulis ang trabaho na imbestigahang Mabuti ang kaso ni Lapid.
“We do not have any particular directives. The police know what to do. I’ll just get in the way. Imbestigahan ninyo nang mabuti. Alamin natin nang mabuti kung sinong behind this. Hanggang ngayon, hindi pa — hindi pa tayo nakakasiguro,” pahayag ng Pangulo.
“But more importantly, is to really trace saan nanggaling ito? Who gave the order? Sino ‘yung — sino nagbigay doon sa preso na orderin ang shooter na gawin ito at bakit? That is what we are working on now,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.