Executive Order ni Duterte, susi para matuloy ang SSS pension hike

By Isa Avendaño-Umali June 07, 2016 - 02:41 PM

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Umapela si outgoing Bayan Muna PL Rep. Neri Colmenares kay President elect Rodrigo Duterte na maglabas ng isang executive order para sa dagdag pensyon sa SSS pensioners.

Tutal naman, ayon kay Colmenares, ay una nang nagpahayag si Duterte ng pagpabor sa SSS pension hike bill.

Mas mabilis at tiyak kasi aniya ang EO kumpara sa paghahain ng panukala sa Kongreso a marami pang dadaanang proseso.

Gayunman, tiniyak ni Colmenares na sa 17th Congress ay muling ihahain ng Bayan Muna Partylist ang panukala para sa SSS pension hike bill.

Umaasa aniya sila na dahil iba na ang administrasyon at iba na ang komposisyon ng mayorya sa Kamara ay magbabago na ang takbo ng kontrobersyal na panukala.

Dalawang libong dagdag pensyon para sa SSS members ang inihihirit ng Bayan Muna, pero na-veto ni Pang. Noynoy Aquino ang kanilang panukala.

Tinangka itong i-override sa Kamara, pero hanggang sa huling sesyon kagabi ay nabigo si Colmenares na maipabaliktad ang veto ni PNoy dahil sa katwirang balewala na rin ito matapos maunang mag adjourn sine die ang Senado.

TAGS: Rep. Neri Colmenares, Rodrigo Duterte, sss, Rep. Neri Colmenares, Rodrigo Duterte, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.