Mga klase sa Ilocos Norte sinuspindi dahil sa magnitude 6.4 quake

By Jan Escosio October 26, 2022 - 07:01 AM

Sinuspindi ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos-Manotoc ang mga pasok sa eskuwelahan sa lalawigan kasunod nang pagtama ng magnitude 6.7 earthquake sa lalawigan kagabi.

Ang suspensyon ay para sa pagsasagawa ng inspections and assessment sa lahat ng mga imprastraktura na maaring naapektuhan ng lindol.

Hiniling din niya sa mga pribadong kompaniya na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga kawani o manggagawa.

Alas-10:59 kagabi nang tumama ang lindol, na ayon sa Phivolcs, ay naitala sa lalim na 28 kilometro sa Tineg, Abra.

Ito ay naramdaman  hanggang sa mga lalawigan ng Quezon, Zambales, Bulacan, Rizal, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Ilocos Sur, Cagayan, Baguio City, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Quirino, at Isabela.

Ngayon umaga, nakapagtala na ang Phivolcs ng apat na mahihinang pagyanig sa Nueva Era, Ilocos Norte.

TAGS: Abra, ilocos norte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake, Abra, ilocos norte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.