Maagang reshuffle na ipinatupad ng Pambansang Pulisya, pinaboran ni Incoming PNP Chief

By Ruel Perez June 07, 2016 - 02:10 PM

Ronald Dela Rosa2Walang problema kay incoming Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang ipinatupad na reshuffle o balasahan sa ilang mga PNP officials noong isang linggo.

Ayon kay Dela Rosa, kapag naupo na siya bilang hepe ng pambansang pulisya, hindi naman niya kaagad ire-relieve sa pwesto ang mga opisyal na kauupo pa lamang.

Paliwanag ni ‘Bato’, bibigyan niya ng pagkakataon ang mga ito na makapag-perform ng kanilang trabaho.

Pagbibigay diin ni Dela Rosa na sakaling walang magandang resulta sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan na itinakdang time frame ay hindi siya mag aatubiling palitan ang mga ito sa puwesto.

Ang importante umano ay maipakita ng mga opisyal na ginagawa nila ang kanilang trabaho lalo na ang prayoridad ng incoming administration na sugpuin ang ilegal na droga.

Nauna ng sinabi ni Dela Rosa na magpapatupad din siya ng massive reshuffle sa kanilang hanay pag upo nya sa pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.