Disiplina at pakikiisa, susi sa pagbabalik-normal – Sen. Bong Go

Muling nanawagan si Senator Christopher Go sa publiko ng ibayong pag-iingat at pagsunod sa health protocols.

Ginawa ito ni Go kasunod nang pagpapalabas ng kautusan ng Malakanyang para sa ‘voluntary’ na pagsusuot ng mask maging sa loob ng mga establismento.

“I welcome measures that are geared towards renormalizing our life amid the pandemic, such as the announcement on voluntary wearing of masks indoors provided that clear and specific guidelines are set to still ensure the safety of every Filipino,” aniya.

Ngunit aniya habang hinihintay ang partikular na kautusan mula kay Pangulong Marcos Jr., makakabuti kung mananatili ang ibayong pag-iingat ng publiko.

Diin ng senador ang susi sa pagbabalik sa normal ay pakikiisa at disiplina.

“Hangad nating lahat na bumalik sa normal ang ating buhay. Pero kahit gagawing boluntaryo na ang pagsusuot ng face masks, huwag pa rin tayong magkumpiyansa,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Health.

Read more...