Sa harap ito ng mga ulat ng serye ng drug raid at umano’y summary execution ng mga pinaghihinalaang drug pusher kasunod ng pagkapanalo ni President elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, wala siyang nakikitang kakaiba sa ginagawa ng kapulisan dahil bahagi ito ng tungkulin ng Philippine National Police na pangalagaan ang seguridad at kaayusan ng sambayanang pilipino.
Wala din aniyang time limit o anumang ibang konsiderasyon ang pagsisipag ngayon ng kapulisan.
Dahil aniya dito, naniniwala sila na walang kaugnayan ang mga sunod sunod na drug raid sa babala ni Duterte laban sa mga sangkot sa iligal na droga.
MOST READ
LATEST STORIES