Mas pinatinding anti-drug campaign ng PNP, walang kinalaman kay Duterte

By Alvin Barcelona June 07, 2016 - 02:07 PM

DrugsAyaw lagyan ng malisya ng Malacañang ang tila mas matapang na kampanya ngayon ng pulisya kontra sa droga.

Sa harap ito ng mga ulat ng serye ng drug raid at umano’y summary execution ng mga pinaghihinalaang drug pusher kasunod ng pagkapanalo ni President elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, wala siyang nakikitang kakaiba sa ginagawa ng kapulisan dahil bahagi ito ng tungkulin ng Philippine National Police na pangalagaan ang seguridad at kaayusan ng sambayanang pilipino.

Wala din aniyang time limit o anumang ibang konsiderasyon ang pagsisipag ngayon ng kapulisan.

Dahil aniya dito, naniniwala sila na walang kaugnayan ang mga sunod sunod na drug raid sa babala ni Duterte laban sa mga sangkot sa iligal na droga.

TAGS: drugs, PNP, Rodrigo Duterte, drugs, PNP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.