Pagsusuot ng face mask sa mga indoor na lugar, boluntaryo na lamang
Boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor na lugar.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, maglalabas ng isang executive order si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para hindi na obligahin ang publiko sa pagsusuot ng face mask.
Sinabi pa ni Frasco na ito rin ang tinalakay sa Cabinet meeting kanina.
“As a result of the Cabinet meeting this morning, it was agreed and that the President would be issuing an executive order per the IATF recommendation to make indoor mask-wearing also voluntary all over the Philippines with few exceptions,” pahayag ni Frasco.
Pero may mga exceptions aniya ang hindi pagsusuot ng face mask. Ito ay ang pag-obliga pa rin sa publiko na magsuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon at medical facilities.
Hinihikayat din ang mga indibidwal na hindi bakunado kontra COVID-19 na manatiling magsuot ng face mask maging ang mga indibidwal na may comorbidities o may mga sakit at ang mga senior citizens.
Hindi naman matukoy ni Frasco kung kailan magiging epektibo ang hindi na pagsusuot ng face mask sa mga indoor na lugar.
Mas makabubuti aniyang hintayin na lamang ang executive order na ilalabas ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa ni Frasco na layunin ng Pangulo na makasabay ang Pilipinas sa mga kalapit na bansa saa Asya na nagluwag na ng travel restrictions para makaakit ng mga turista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.