Kongresista may payo kay President elect Duterte hinggil sa pang-aaway at pagmumura nito

By Isa Avendaño-Umali June 07, 2016 - 02:06 PM

atienza file inquirer“Asikasuhin muna ang malalaking problema ng bansa, bago mang-away ng kung sino-sino.”

Yan ang unsolicited advice ni Buhay PL Rep. Lito Atienza kay President-elect Rodrigo Duterte na ngayon ay umaani ng iba’t ibang opinyon at puna dahil sa pambabatikos nito sa media at simbahang katolika.

Ayon kay Atienza, napakaraming suliranin ng Pilipinas na kailangang mas bigyan ng agarang atensyon ni Duterte.

Halimbawa aniya rito ang malalang daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila, na bigo maresolba ng Aquino administration.

Dagdag ni Atienza, ang paghahamon at pagmumura ni Duterte sa media at church officials ay nagpapakita ng karakter ng bagong Pangulo na ayaw masita.

Giit ni Atienza, media man, mga obispo o mga ordinaryong tao, hindi dapat minumura.

Babala ng Mambabatas kay Duterte, kapag hindi niya tinama ang pamamaraan o istilo at hindi rin mapansin agad ang mga problema ng bansa, sa bandang huli ay posibleng lumala pa ang mga kinakaharap ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.