Mactan-Cebu airport bukas sa limitadong operasyon – DOTr

By Jan Escosio October 25, 2022 - 02:09 PM

Limitado ngunit balik operasyon na ang Mactan-Cebu International Airport simula kaninang alas-8 ng umaga, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Bukas ang runway ng paliparan mula ala-5 ng madaling araw hanggang ala-5 ng hapon.

Kasunod ito nang aksidente na kinasangkutan ng Korean Air flight KE631 noong Linggo ng gabi.

Naapektuhan ang maraming biyahe kahapon at may ilan pa na nakansela na nagresulta sa pagkalito ng mga bibiyaheng pasahero.

Lumagpas sa runway ang eroplano nang lumapag ito sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

Napinsala ang unahang bahagi ng A330 aircraft bagamat wala naman nasaktan sa sakay na 162 pasahero at 11 crew.

TAGS: cebu, Korean Air, mactan airport, news, Radyo Inquirer, cebu, Korean Air, mactan airport, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.