Hirit ng NHA sa Kongreso, pondo sa EHAP ibalik

By Chona Yu October 25, 2022 - 11:54 AM

Humihirit si National Housing Authority General Manager Joeben Tai sa Kongreso na bigyan ng pondo ang Emergency Housing Assistance Program para sa taong 2023.

Ginawa ni Tai ang pahayag matapos magpasya ang Kongreso na tanggalin na ang pondo para sa EHAP sa susunod na taon.

Ayon kay Tai, ginagamit ang EHAP sa pang-ayuda o cash assistance sa mga pamilyang nabiktima ng natural at man-made calamities.

Nasa P10,000 ang matatanggap ng bawat pamilya na partially damaged ang bahay habang nasa P30,000 naman ang matatanggap sa mga pamilyang totally damaged ang bahay.

Nabatid na simula nang maupo sa puwesto si Tai noong Agosto 1, 2022, nasa 42,000 na pamilya na nabiktima ng lindol sa Ilocos Sur at Abra ang nakatanggap ng ayuda mula sa EHAP kung saan nasa P275.545 milyon ang naipamigay na.

“When I assumed the position in August, finding ways to help the families whose houses were damaged and destroyed by the earthquake was one of my priority concerns. With the EHAP funds, we were able to help the earthquake victim families through this financial aid,” pahayag ni Tai.

“We also assisted 458 families from 25 barangays in Zamboanga City who were fire victims, wherein we released P10,000 financial grants to each family,” pahayag ni Tai.

Target din ni Tai na bigyan ng ayuda ang mga pamilyang nabiktima ng nagdaang Bagyong Karding.

“We intend to help more families through our EHAP. Our target is to provide quick assistance to 53,713 families affected by Typhoon Karding in Regions I, II, III, CALABARZON, and CAR. However, we can no longer do that because we no longer have EHAP funds for 2023,” pahayag ni Tai.

“I hope the Congress leadership will reconsider at maibalik po sa aming budget ang pondo para sa EHAP, so we can provide continuous assistance for 2023 and beyond,” pahayag ni Tai.

 

TAGS: ayuda, news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer, ayuda, news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.