Heightened alert status, itinaas ng MIAA para sa Oplan Balik Eskwela

NAIA1Itinaas na sa heightened alert status ang puwersa ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ito ay bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela na ikinasa ng Department of Education.

Ayon kay MIAA General Manager Angel Honrado, nakahanda ang kanilang hanay na gabayan ang nga estudyante at mga guro na bibiyahe sa iba’t ibang probinsya kasabay ng pagsisimula ng klase.

Tatagal aniya ang heightened alert status hanggang sa June 20.

Nabatid na noong June 2015, umabot sa 2.9 milyong pasahero ang dumagsa sa MIAA.

Mas mataas ito ng isang daang libo kumpara noong June 2014.

“While June may not be the busiest month for flying, management assures passengers that the same level of security will be implemented at the airport as that of the peak season,” ani Honrado.

Inatasan na rin ni Honrado ang mga concerned agencies gaya ng Office for Transportation Security (OTS), Bureaus of Customs (BOC), Immigration, at Quarantine na magpakalat ng sapat na tauhan para maging maayos ang pagbiyahe ng mga pasahero.

Nakipag ugnayan na rin ang MIAA sa Airport Police Department (APD), Aviation Security Group (ASG) ng Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at lokal na pamahalaan ng mga lungsod ng Parañaque at Pasay para sa security at traffic.

May nakalagay na rin aniya na police at public assistance pati na ang medical teams sa mga airport terminal.

Sinabi pa ni Honrado na bukod sa maximum deployment ng security personnel, nakaset-up na rin ang Operations Center para mag monitor sa sitwasyon sa mga paliparan.

“Passengers with concerns are advised to get in touch with MIAA via its hotline 0917-“TEXNAIA” or 0917-8396242 or with the Department of Transportation and Communications Action Center through (02) 7890.” pahayag pa ni Honrado.

Read more...