Aabot sa 1,900 na tauhan ng Philippine Coast Guard ang ipinakalat na sa ibat-ibang pantalan.
Ito ay bilang bahagi ng paghahanda ng PCG sa Undas.
Ayon sa PCG, nasa 72 na vessels at 1,686 na motorbanca na ang na-inspeksyon ng PCG.
Nasa 7,416 na outbound passengers at 6,880 inbound passengers na ang na-monitor ng PCG.
Bukod sa pagpapatupad sa maritime security at maritime safety, tinitiyak din ng PCG na naipatutupad ang health protocols kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.