Dakdakan sa Percy Lapid case pinuna ni Sen Bato dela Rosa

By Jan Escosio October 25, 2022 - 10:10 AM

Photo credit: Sen. Ronald “Bato” dela Rosa/Facebook
Sa halip na makatulong ay maaring makagulo pa. Ito ang pinangangambahan ni Sen. Ronald dela Rosa dahil sa mga lumalabas na pahayag ukol sa Percy Lapid – slay case. Ayon pa sa senador dahil marami ang nagsasalita maaring magbunga ito ng kung ano anong interpretasyon sa publiko. Aniya makakabuti kung ang pambansang-pulisya lamang ang paniniwalaan dahil ito ang nangunguna sa pag iimbestiga sa kaso. Kaugnay naman sa pagiging ‘person of interest’ sa kaso ni suspended Bureau of Corrections (BuCor)  Gerard Bantag, sinabi ni dela Rosa na maaring ang lahat ng nga binanatan ni Lapid sa kanyang programa sa radyo ay maituring na suspek. Aniya maging siya ay binatikos ng pinatay na broadcaster bagamat hindi sila magkakilala.

TAGS: bato dela rosa, murder case, news, Radyo Inquirer, bato dela rosa, murder case, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.