Kapatid ng middleman sa pagpatay kay Percy Lapid, nasa Witness Protection Program na

 

Nasa kostudiya na ng Witness Protection Program ng pamahalaan ang kapatid na babae ni Jun Villamor, ang namatay na bilanggo sa New Bilibid Prison na itinuturong middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Unang dumulog ang kapatid ni Villamor kay Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo.

Agad naman na itinurn-over ni Tulfo sa WPP ang kapatid ni Villamor.

Samantala, tiniyak naman ni Remulla na secured na ang ikalawang middleman sa pagpatay kay Lapid. Nakilala ito na si Cristopher Bacoto.

Read more...