Apat na brand ng gamot sa ubo at sipon sa mga bata, nakamamatay ayon sa FDA

October 25, 2022 - 08:14 AM

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa pagtangkilik sa apat na brand ng gamot sa ubo at sipon para sa mga bata.

Ito ay ang Promethazine Oral Solution BP, Kofexmalin Baby Cough Syrup, MakOFF Baby Cough Syrup at MaGrip n Cold Syrup.

Ayon sa FDA, kontaminado ang apat na brand ng cough and cold syrup medications  ng diethylene glycol at ethylene glycol na toxic sa human consumption.

Hinarang na ng World Health Organization simula noong Oktubre 5 ang apat na produkto dahil sa nagdudulot ng pagkamatay at acute kidney injuries sa mga bata.

Nabatid na ang diethylene glycol at ethylene glycol ay mga chemical compounds na karaniwang matatagpuan sa mga antifreeze, paints, plastics at cosmetics.

Maaring magdulot ito ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, hindi makaihi, pananakit ng ulo, acute kidney injury at higit sa lahat maaring ikamatay ng bata.

Ang apat na produkto ay pawang gawa ng kompanyang Maiden Pharmaceuticals Limited na naka-base sa New Delhi, India.

Ayon sa FDA, hindi naka-rehistro sa kanilang tanggapan ang apa na gamot kung kaya hindi legal na maibebenta sa Pilipinas.

 

 

TAGS: FDA, gamot, news, Radyo Inquirer, sipon, ubo, FDA, gamot, news, Radyo Inquirer, sipon, ubo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.