Architect patay matapos barilin sa loob ng library sa Tacloban City

By Chona Yu June 07, 2016 - 01:37 PM

Architect patay
Contributed photo

Patay ang isang architect matapos barilin ng dalawang beses sa ulo sa loob ng library ng Leyte Normal University (LNU) sa Tacloban City sa Leyte.

Kinilala ni Police Senior Supt. Domingo Cabellan, City Director ng Tacloban City Police Office ang biktima na si Architect Jess Archimedes Moscare na consultant ng Engineering Department ng LNU.

Naganap ang krimen kahapon ng 12:30 ng tanghali.

Itinuturing naman na person of interest si Atty. Aquilino Mejica na dating vice mayor ng Oras, Eastern Samar.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si Atty. Mejica.

Nabatid na under suspension ng dalawang taon si Atty. Mejica dahil sa kinakaharap na kasong administratibo.

Ayon kay Cabellan, isang anggulong sinisilip ngayon ng pulisya ay ang crime of passion.

May natatanggap aniya silang impormasyon na may relasyon umano si Moscare kay Engr. Carol Mejica na misis ni Atty. Mejica.

Dagdag ni Caballen, sinusuri na nila ang kuha ng CCTV sa paaralan.

Kukunan na rin aniya ng pulisya ng salaysay ang mga naka-duty na guwardiya matapos mamataan si Atty. Mejica na mabilis na umalis ng compound ng LNU.

Nasa kostudiya na rin ngayon ng pulisya ang isang sasakyan na Kia Privia na pag-aari umano ni Atty. Mejica at iniwan matapos ang krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.