Ayon kay PNP Crime Laboratory Director Chief Supt. Manuel Aranas kapwa nagpositibo sa droga at alcohol sina Ken Migawa at Erick Anthony Miller batay na din sa findings ng kanilang pathologist.
Lumitaw sa isinagawang eksaminasyon na namaga ang utak ng dalawang biktima dahil sa tindi ng epekto ng nainom nilang droga na nagtataglay ng mga substance na ampethamine, para-methoxy amphetamine, MDMA o methyline dioxy amphetamine at MDC o methylene dioxy cathinone.
Nagkaroon din umano ng damage ang kanilang puso dahil sa hindi nakayanan ang bilis ng naging tibok nito, maging ang baga ng dalawang biktima ay namanas din at nasira pa ang kanilang kidney.
“Nagkaroon ng problema sa puso at namaga pareho ang brain nina Migawa at Miller
Base sa findings ng toxicologist, may nakitang chemicals na galing sa prohibited drugs na ecstasy. Ang tinake nilang drugs ay sobra sa kakayan ng kanilang katawan,” sinabi ni Aranas.
Naging matindi umano ang epekto sa dalawa ng droga dahil sinamahan pa ito ng alcohol, si Migawa ay kinakitaan ng .62 na alcohol level habang .38 naman kay Miller.
Gayunman sinabi ni Aranas na ang immediate cause of death ng dalawa ay ang multiple organ failure matapos hindi na mag-function ng normal ang puso at utak nga dalawang biktima.