Mga katutubo dapat bigyan ng sapat na pansin – Sen. Sonny Angara
Hiniling ni Senator Sonny Angara sa gobyerno na pag-ukulan ng sapat na pansin ang mga katutubo sa bansa.
Ayon kay Angara nananatiling kabilang ang mga katutubo sa pinaka-mahihirap na mamamayan sa bansa.
Aniya halos walang nangyari sa kabila nang pagpapasa sa RA 8731 o ang Indigenous Peoples Rights Act higit 25 taon na ang nakakalipas.
“We have over a hundred IP groups in the Philippines comprising anyweher betweet 14 to 17 million indigenous cultural communities. Much has been said to protect the rights and ensure the welfare of our IPs but the reality is they continue to be among the most disadvantaged groups,” himutok ng senador.
Binanggit na ang ulat ng World Bank na anim na porsiyento ng kabuuang populasyon sa buong mundo ay mga katutubo at 20 porsiyento sila sa pinakamahirap na mamamayan.
Kayat inihain ni Angara ang SB 1167 o ang resource Centers for Indigenous People’s Act of 2022, na ang layon ay magtayo ng ICC’s/IP resource centers sa ilang lugar sa bansa base sa rekomendasyon ng National Commission on Indigenous People’s (NCIP).
“Talagang kaawa-awa ang kalagayan ng ating mga katutubong Pilipino. Bagamat marami na ang nagawa upang pagtibayin ang kultura, tradisyon at mga karapatan ng mga katutubo, tila hindi pa din umaangat ang buhay nila at madalas ay napapabayaan pa sila sa pagbibigay ng tulong at serbisyo ng pamahalaan. Panahon na para bigyan ng pansin ang kalagayan ng ating mga katutubo at kabilang na dito ang pagkakaroon ng maayos na datos tungkol sa kanilang hanay,” dagdag pa ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.