32.2 milyong scam / spam text messsages naharang ng Globe

By Jan Escosio October 24, 2022 - 04:31 PM

Sa loob lamang ng dalawang linggo, mahigit 32.2 milyong text messages na may ‘clickable links’ ang naharang ng Globe Telecom.

Ang mga naturang text messages ay pinaniniwalaang scam o spam messages.

Nangangahulugan na simula Setyembre 28 hanggang Oktubre 13, may 2.4 milyong text messages ang naharang ng Globe kada araw.

“The amount of text messages with clickable links we blocked within just about two weeks shows the staggering number of spam and scam SMS that disrupt and threaten customers every day. This is empirical proof that our security measure was warranted,” ani Anton Bonifacio, ang Chief Information Security Officer ng Globe.

Sinimulan ng Globe ang hakbang bilang tugon sa dumadaming reklamo laban sa mapanlokong text messages.

Magpapatuloy ito hanggang sa maikasa na ang SIM Registration Act.

Nabatid na simula noong Enero hanggang noong nakaraang buwan, umabot na sa 1.3 bilyong text messages ang naharang ng Globe na higit pa sa 1.15 bilyon sa kabuuan ng 2021.

 

TAGS: scam, spam, text, scam, spam, text

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.