Mismong ang Board of Governors ng Ayala Alabang Village Asso. (AAVA) ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kay Punong Barangay Ruben Baez.
Diumano nagbanta si Baez na hindi kokolektahin ang basura ng mga residente ng ekslusibong subdibisyon sa lungsod ng Muntinlupa.
Himutok pa ng isang residente tila pagsasawsaw sa isyu ng subdibisyon ang ginawa ni Baez dahil ito ay nasa pangangasiwa na ng association board, na nasa pangangasiwa naman ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ipinagtataka ng mga residente ang mga interes ni Baez sa kanilang subdibisyon.
Sinasabing nangyari ang pagbabanta nang mapatalsik sa puwesto ang isang mataas na opisyal ng Board of Governors ng AAVA na suportado diumano ng punong barangay.
Maraming prominenteng indibiduwal ang residente ng Ayala Alabang Village kasama na mismo si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.