Banta sa isyu sa koleksyon sa basura sa Muntinlupa barangay inalmahan

By Jan Escosio October 23, 2022 - 06:52 PM

Labis na ikinadismaya ng mga residente ng Barangay Ayala Alabang sa Muntinlupa City ang diumanoy pagbabanta ng kanilang punong barangay.

Mismong ang Board of Governors ng Ayala Alabang Village Asso. (AAVA) ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kay Punong Barangay Ruben Baez.

Diumano nagbanta si Baez na hindi kokolektahin ang basura ng mga residente ng ekslusibong subdibisyon sa lungsod ng Muntinlupa.

Himutok pa ng isang residente tila pagsasawsaw sa isyu ng subdibisyon ang ginawa ni Baez dahil ito ay nasa pangangasiwa na ng association board, na nasa pangangasiwa naman ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ipinagtataka ng mga residente ang mga interes ni Baez sa kanilang subdibisyon.

Sinasabing nangyari ang pagbabanta nang mapatalsik sa puwesto ang isang mataas na opisyal ng Board of Governors ng AAVA na suportado diumano ng punong barangay.

Maraming prominenteng indibiduwal ang residente ng Ayala Alabang Village kasama na mismo si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.

TAGS: Ayala Alabang, barangay, Basura, Ayala Alabang, barangay, Basura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.