Ilang lugar sa bansa, positibo sa red tide

By Chona Yu October 22, 2022 - 08:49 AM

Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish na nakokolekta sa karagatan ng Milagros sa Masbate; Sapian Bay (Ivisan at Sapian), Roxas City, Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, lagpas sa regulatory limit ang PSP sa mga nabanggit na lugar.

Ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain sa Acetes sp. o alamang.

Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin lamang na hinugasan ng mabuti, tinanggal ang hasang at kaliskis at nilutong mabuti.

Samantala, ligtas na sa red tide ang Matarinao Bay sa Eastern Samar.

TAGS: BFAR, hipon, news, Radyo Inquirer, red tide, BFAR, hipon, news, Radyo Inquirer, red tide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.