5 arestado sa QC matapos mahulihan ng bloke-blokeng marijuana

By Ricky Brozas June 07, 2016 - 12:06 PM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Nadakip ng tauhan ng Batasan Police Station 6 ang limang katao dahil sa pag-iingat ng bloke-blokeng marijuana.

Kinilala ang mga suspek na sina Rona dela Cazada, 25 anyos; Nelbert Villanueva, 33 anyos; Ian Pua, 42 anyos, John Adrian Balisi, 24 anyos at isang menor de edad na 16 anyos.

Batay sa ulat, reresponde lang sana sa isang operasyon ng iligal na sugal sa Sapang Kangkong, Brgy. Old Balara ang mga pulis sa pangunguna ni Police Senior Inspector Paterno Lomondon Jr.

Pero maliban sa paglalaro ng Cara y Cruz ng mga suspek ay nakuhanan din ang isa sa kanila ng kalibre 38 na revolver na may kargang tatlong bala.

At nang kapkapan naman sila isa-isa ng mga pulis ay doon nadiskubre ang mga marijuana bricks na umabot sa pitong piraso na nagkakahalaga ng P63,000.

Kasong paglabag sa RA 9165 o dangerous drugs act, paglabag sa RA 10591 o comprehensive law on firearms at paglabag sa PD1602 o anti- illegal gambling law ang isasampa laban sa mga suspek.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.