Dagdag P500 sa indigent senior pension malabo sa 2023
Kakulangan ng pondo kayat nanganganib na hindi pa maibibigay sa susunod na taon ang karagdagang P500 buwanang pensyon sa mga mahihirap na senior citizens sa bansa.
Kayat suhestiyon ni Sen. Imee Marcos ang National Commission on Senior Citizens ituon na muna ang pagbibigay pensyon sa mga lubos na nangangailangan, nakaratay at inabandonang matatanda.
Inatasan niya ang NCSC na makipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Budget and Management sa paghahanap ng solusyon sa problema.
Ngayon taon ay naisabatas ang panukala para sa karagdagang P500 sa buwanang P500 na pensyon kada buwan ng mga mahihirap na senior citizens.
Sa ngayon, P26 bilyon ang inalalaan para sa buwanang pensyon at madodoble ito kapag naipatupad ang batas.
Ngunit sinabi ni Marcos na may problema sa pondo ang gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.