Pagri-release sa mga abandonadong balikbayan box, minamadali na ng BOC

 

Pinamamadali na ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang pagri-release sa mga abandonadong balikbayan boxes lalot nalalapit na ang panahon ng Pasko.

Ayon kay Ruiz, nasa 19 abandonadong containers ang nasa Manila International Container Port.

Hindi kasi aniya nabayaran ng mga deconsolidators ang mga kargamento.

Kabilang sa mga deconsolidators ay ang  CMG International Movers and Cargo Services, FBV Forwarder and Logistics Inc., at Cargoflex Haulers Corporation.

Nabatid na ang kanilang mga consolidators ay pawang matatagpuan sa United Arab Emirates (UAE) na Win Balikbayan Cargo LLC at Island Kabayan Express Cargo LLC.

Nangako ang consolidators na idi-deliver ang mga kargamento ng mga overseas Filipino workers sa kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas pero walang ibinigay na bayad sa mga deconsolidators dahilan para magkaroon ng non-settlement ng duties, taxes, at iba pang charges.

Para maresolba ang isyu, nagpasya ang BOC na i-distribute ang mga abandonadong kargamento sa ibat ibang grupo at ahensya.

Sa ngayon, pitong containers ng balikbayan boxes na naka-consign saCMG ang nai-distribute na.

Tatlong containers naman sa ilalim ng Island Kabayan ay nakahanda na para ma-pick up sa Port LogisticsIncorporated sa 2657 Old Panaderos Street, Santa Ana, Manila.

Handan na rin na ma-pick up ang 16 containers shipped ng All Win sa Km 33 Hobart Warehouse Compound sa Barangay Tiwala, Borol 1st Balagtas, Bulacan.

Naka-schedule ang pick-up tuwing araw ng Sabado mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

 

Read more...