Pananatili ni PBBM Jr., sa DA hindi kinontra ni Sen. Koko Pimentel
Walang oposisyon si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa patuloy na pamumuno ni Pangulong Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA).
Gayunpaman, hiling pa rin ni Pimentel na magtalaga na ng permanenteng kalihim sa kontrobersyal na kagawaran.
Katuwiran nito, napakalawak ng mga aktibidad ng DA na maituturing na aniya na ‘mini Philippines.’
Ayon pa kay Pimentel may may ‘full time DA secretary,’ may makakakatulong sa Pangulo sa pagresolba sa mga isyu na bumabalot sa kagawaran, gaya ng food production at food security.
Dagdag pa ni Pimentel, hindi naman mawawala ang atensyon ni Pangulong Marcos Jr., sa DA kahit magpa-upo na ito ng bagong kalihim.
Unang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na patuloy niyang pamumunuan ang DA hanggang hindi natatapos ang mga nais niyang reporma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.