Hawaan ng XBB at XBC subvariant, naitala sa bansa

 

Kinumpirma ng Department of Health na mayroon ng local transmission ng nakahahawang omicron XBB subvariant at XBC subvariant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, director ng DOH’s epidemiology bureau, walang kaugnayan sa pagbiyahe sa labas ng bansa ang hawaan ng bagong uri ng COVID-19.

Ibig sabihin, sa loob lamang ng bansa nakuha ang impeksyon.

Agad namang nilinaw ni de Guzman na hindi pa wide-scale community o nagkakaroon ng hawaan sa buong bansa.

Unang na-detect ang XBB sa India noong Agosto 2022.

Read more...