P583.45 milyong halaga ng agrikultura, nasira dahil sa Bagyong Maymay at Neneng

 

Umabot na sa P583.45 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa mga Bagyong Mamay at Neneng.

Ayon sa Department of Agriculture, nasa 21,324 na mga magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Cagayan Valley ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 36,872 metrikong tonelada ang production loss habang nasa 21, 986 ektaryang sakahan ang nasira.

Kabilang sa mga nasalanta ng bagyo ang mga pananim na palay, mais, high calue crop, livestock at poultry at fisheries product.

Tiniyak naman ng DA na may sapat na pondo ang kagawaran para ayudahan ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyo.

 

Read more...