Hinikayat ni Interior Secretary Benhur Abalos na idulog sa sangguniang-pamahalaan ang lahat ng mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay.
“While the DILG exercises general supervision over local governments as the alter ego of the President, the task of disciplining erring barangay officials is with the Sangguniang Bayan or Sangguniang Panlungsod where the barangay belongs,” aniya.
Sabi pa ni Abalos na ito ay nakasaad sa Section 61 ng Local Government Code.
Paalala pa niya ang anumang desisyon ng Sangguniang Panglungsod o Pangbayan ay pinal at agad na maipapatupad.
“Sa halip na idulog niyo sa DILG ang inyong mga reklamo sa inyong mga kapitan o mga kagawad sa barangay, ilapit niyo ang mga ito sa inyong mga sanggunian para mas mabilis itong ma-aksyunan,” bilin pa ng kalihim.