Pinag-iingat ni Senator Tito sotto ang publiko sa citizen’s arrest na sinasabi ni President-elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sotto, posible umanong magdulot ng kapahamakan sa isang tao ang pagsasagawa ng citizen’s arrest sa isang hinihinalang kriminal.
Ani Sotto, hindi naman lingid sa kaalaman na ang mga kriminal ay armado.
Sa kabila nito suportado ni Sotto ang citizen’s arrest dahil umiiral naman aniya ito sa ilalim ng batas ng bansa.
Kinakailangan lamang aniya ng ibayong pag-iingat sa taong gagawa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.