South Tollways, handa na sa pagdagsa ng mga motorista bago ang pasukan
Magpapatupad ng Oplan ng Ligtas Biyahe, Balik Eskwela 2016 ang South toll road operators sa bansa kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga motoristang babalik ng Metro Manila para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Mula June 10 hanggang June 16, ipatutupad ang nasabing programa ng pamunuan ng Skyway O & M Corporation o SOMCO, Manila Toll Expressways Systems, Inc. o MATES, Star Tollway Corporation, Skyway System, at South Luzon Expressway.
Ayon sa Southern Tollways group, inaasahan ang pagdagsa ng malaking bilang ng mga sasakyan simula sa Biyernes, June 10 bago ang pagbubukas ng klase sa June 13, araw ng Lunes.
Marami kasing mga nagbakasyon sa mga lalawigan ang magsisibalikan sa Metro Manila.
Magtatalaga naman ng mga traffic personnel at ambulant tellers sa mga toll plaza para mas mapabilis ang proseso ng pagbabayad ng toll at maiwasan ang paghaba ng pila ng mga sasakyan.
May ipapakalat din na mga traffic at security patrols at road maintenance personnel para mabilis na matulungan ang mga magkakaproblemang motorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.