Middleman sa pagpatay kay Percy Lapid, patay na

By Chona Yu October 21, 2022 - 08:03 AM

Namatay na ang middleman na nakakulong sa New Bilibid Prison na responsible sa pagpatay sa broadcaster na si Percy lapid.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nahirapang huminga ang sinasabing middleman noong October 18 na kaparehong araw na lumutang ang self confessed killer na si Joel Escorial.

Nakilala ang middleman na si Crisanto Palana Villamor Jr.

Ayon kay Remulla, sumailalim na sa autopsy ang bangkay ni Villamor sa National Bureau of Investigation.

Nadismaya naman ang kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa matapos matanggap ang ulat na patay na ang middleman.

Patunay aniya ito na mayroong malawakang sabwatan sa pagpatay sa kanyang kapatid.

 

TAGS: boying remulla, new bilibid prison, boying remulla, new bilibid prison

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.