Kayat asahan na ang malamig na panahon habang papalapit na rin sa Kapaskuhan.
Sa nakalipas na mga araw, ayon sa PAGASA, nangibabaw ang malakas na ‘northeasterly winds’ sa Hilagang Luzon dahil sa high pressure system sa Siberia.
Naramdaman na rin sa hilaga-silangang bahagi ng Luzon ang pagbaba ng temperatura.
“With these developments, the northeast wind flow is expected to gradually become more dominant over Northern Luzon, bringing cold and dry air. Surges of cold temperatures may also be expected in the coming months,” dagdag pa ng ahensiya.
Dahil naman sa La Niña, maaring magkaroon ng pagbaha, flashfloods at landslides dahil sa ulan ngayon panahon ng amihan.
Kamakailan, inanunsiyo ng PAGASA ang pagtatapos ng panahon ng habagat. Noong nakaraang taon, Oktubre 25 nang magsimula ang panahon ng amihan sa bansa.