Pinuna ng pamunuan ng MAGSASAKA Partylist group si Argel Joseph Cabatbat dahil sa pagpapanggap na siya pa rin ang kanilang kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Pagdiiin ng kampo ni MAGSASAKA national chairman Soliman Villamin Jr., walang karapatan si Cabatbat dahil hindi na nila ito kinikilalang kaanib.
“Atty. Cabatbat has no right to claim that he is the incumbent representative of MAGSASAKA Party-List because he is not in any way associated with Chairman Villamin, who was declared by the Commission on Elections (Comelec) as the legitimate and rightful leader of MAGSASAKA Party-List,” sabi ni Atty. John Paul Nabua, ang acting spokesperson ng partylist group.
Puna ni Nabua, sa isang pahayag sinabi ni Cabatbat na nagpalabas noong Oktubre 19 ang Korte Suprema ng status quo ante order na nagbabawal kay MAGSASAKA nominee Robert Gerard Nazal na maupo bilang kinatawan sa Kamara.
“To say that the SC favored Atty. Cabatbat as the legitimate representative of the organization is utterly false, entirely baseless, and completely misleading,” diin ng abogado.
Nakakapagtaka din aniya na sinasabi ni Cabatbat na siya ang kinatawan ng MAGSASAKA gayung nagbitiw na siya bilang nominee ng kanyang sariling paksyon.
“Everyone in MAGSASAKA knows that Atty. Cabatbat is no longer a nominee, much more the representative of the party-list in Congress,” sabi pa ni Nabua.
Paglilinaw pa nito, ang status quo ante order ay para lang sa proklamasyon kay Nazal at hindi sa pagpabor at pagkilala ng Comelec kay Villamin.
Hindi rin aniya naging nominee ng ibang partylist group si Nazal gaya ng iginigiit ni Cabatbat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.