‘No Vaccine Card, No Entry’ policy ng LGUs sa Undas ok sa medical expert
Sinang-ayunan ng isang medical expert ang polisiya ng ilang local government units na magpatupad ng no vaccine card, no entry sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Ted Herbosa, chairman ng Emergency Medicine ng University of the Philippines-Philippine General Hospital, na magandang polisiya ito na sana ay sundin ng ibang LGUs.
Hindi maikakaila na muli na namang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa at may mga kumpirmadong kaso na ng XBB at XBC subvariants.
Dagdag pa ni Herbosa na dadami pa ang tatamaan ng naturang virus sa mga susunod na araw lalot maraming mga pagtitipon ang magaganap sa Undas at Pasko.
Kaya payo ni Herbosa, magpabakuna at patuloy na magsuot ng face mask para makaiwas sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.