10th Philippine Electric Vehicle Summit, ikinasa

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, marami na sa mga motorista ngayon ang gumagamit ng electric vehicle.

Sa 10th Philippine Electric Vehicle Summit sa SMX Convention sa Mall of Asia sa Pasay City, sinabi ni Edmund Araga, president ng Electric Vehicle Association pof the Philippines na tumaas ang bentahan ngayon ng mga electric vehicle.

Malaking tulong din ang mga electric vehicle sa kalikasan.

Hindi kasi aniya nagbubuga ng maruming usok ang mga electric vehicle at sa halip kuryente lamang ang gamit ng mga ito.

Maraming kompanya ng sasakyan na rin ngayon ang gumagawa ng mga electric vehicle.

Cost efficient at maganda ang performance aniya ng mga electric vehicle.

READ NEXT
Read more...