Sen. Bong Go pinag-iingat ang publiko sa bagong COVID 19 subvariants

Muling nanawagan si Senator Christopher Go sa sambayanan na magpabakuna ng COVID 19 vaccines at magpaturok ng booster shot dahil sa pagsulpot ng mga bagong COVID 19 Omicron subvariants.

Kasabay nito, paalala pa ng senador na hindi dapat magpaka-kumpiyansa at istriktong sumunod pa rin sa protocols, kasama na ang patuloy na pagsusuot ng mask.

Payo pa niya, sa mga eksperto pa rin maniwala at hindi sa kung ano-anong mga impormasyon lamang.

“Magtiwala din tayo sa payo ng mga eksperto at otoridad na wala namang ibang hangarin kundi ang kapakanan ng buong sambayanan,” bilin ng namumuno sa Senate Committee on Health.

Noong Martes, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) ang kaso ng 193 ng XBC variant at 81 kaso ng XBB, na natunton sa Davao at Western Visayas Regions.

 

Read more...