Bike, motorcycle, PUV exclusive lanes bubuksan sa Commonwealth Avenue
Magbubukas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ‘exclusive lanes’ para sa public utility vehicles (PUVs), motorsiklo at bisikleta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ang hakbang, ayon kay MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III, ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga gumagamit ng lansangan gayundin para mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa lugar.
Sumang-ayon ang Metro Manila Council (MMC) sa pagtatakda ng ‘exclsuive lanes’ para maiwasan ang mga aksidente.
Base sa Road Crash Statistics ng MMDA Traffic Engineering Center, 1,010 aksidente na kinasasangkutan pa lamang ng mga motorsiklo ang naitala na sa Commonwealth Avenue.
Nilinaw naman ni Dimayuga na ang pagtatakda ng linya para sa mga motorsiklo ay isasagawa base sa magiging rekomendasyon ng pamahalaang-lungsod.
Sa MMDA Resolution No. 22-15, ang right outermost lane ay para sa mga bisikleta at ang susunod na linya ay para sa PUVs at ikatlong linya ay para sa mga motorsiklo.
Ang matitirang linya ay para naman sa iba pang uri ng mga sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.