Florida, isinailalim na sa state of emergency dahil sa paparating na bagyong Colin

NOAA Weather
NOAA Weather

Nagdeklara na ng state of emergency sa Florida dahil sa paparating na Tropical storm Colin na inaasahang maghahatid ng malalakas na hangin, malakas na pag-ulan at tornadoes.

Ang bagyo na nabuo noong Linggo sa Gulf of Mexico ay inaasahang dadaan sa Florida tagaly ang lakas ng hanging aabot sa 50 miles kada oras (85 kilometers) base sa pagtaya ng National Hurricane Center.

Ayon sa NHC, ang bagyo na ngayon ay nasa 190 miles (305 kilometers) ng west-northwest ng Tampa, ay posibleng tumama sa Florida Lunes ng gabi doon.

Inaasahan din na magpapaulan ito ng hanggang 3-6 inches (7.6-15.2 centimeters) of sa northeastern Yucatan peninsula, western Cuba, northern Florida, southeastern Georgia, at coastal areas ng Carolina hanggang sa Martes.

Nag-isyu na rin ng babala ang Miami-based agency sa posibleng pagkakaroon ng tornadoes sa northern Florida at mga bahagi ng southern Georgia.

Bilang pag-iingat, ilang paaralan sa central at northern Florida ang nagkansela na ng Monday classes.

Habang sa Tampa International Airport, mayroon nang 40 flights ang delayed at 16 naman ang kinansela.

 

 

Read more...