Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng bagong mahistrado sa CTA, CA

By Chona Yu October 20, 2022 - 09:26 AM

Itinalaga ni Marcos Jr. si Corazon Ferrer-Flores bilang Associate Justice ng Court of Tax Appeals.

Kapalit si Ferrer-Flores ng nagretirong si  Associate Justice Juanito Castañeda, ayon kay Press Usec. Cheloy Garafil.

Bago ang kaniyang appointment, si  Ferrer-Flores ay nagsilbi bilang  Deputy Clerk of Court ng Supreme Court at naging hepe ng Fiscal Management and Budget Office.

Samantala, itinalaga rin ng sina  Selma Alaras at Wilhelmina Jorge-Wagan bilang mga bagong mahistrado ng Court of Appeals.

Nilagdaan sa Malakanyang ang kanilang appointment noong Oktubre 11.

Sina Alaras at Jorge-Wagan ang papalit kina dating CA associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello na kapwa nagretiro ngayon taon.

Bago napabilang sa CA, si Alaras  ang  presiding judge ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 62, habang si  Jorge-Wagan ang  presiding judge ng Pasig City RTC Branch 111.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayroong 90 araw ang Punong Ehekutibo para magtalaga ng mga appointee sa hudikatura batay sa listahan o shortlist mula sa Judicial and Bar Council  o JBC.

TAGS: appointment, CTA, Justice, appointment, CTA, Justice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.