DOTr umaasang mapopondohan ang Libreng Sakay para maipagpatuloy pa

By Chona Yu October 19, 2022 - 02:43 PM

Umaasa ang Department of Transportation na bibigyan pa rin ng budget ng Kongreso ang programang Libreng Sakay sa Metro Manila.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ito ay para patuloy na maayudahan ang mga pasahero sa gitna ng tumataas na presyo sa produktong petrolyo.

“So hopefully baka naman kapag pinasa iyong budget natin, iyong Kongreso natin ay magbigay ng isang kaban para doon,” pahayag ni Bautista.

Sa Disyembre 31, 2022 inaasahang matatapos na ang programang Libreng Sakay.

“Wala sa budget natin iyan, doon sa sinubmit naming sa Congress. Although maraming mga mambabatas natin na sinasabi na they will support it daw,” pahayag ni Bautista.

Datin ang programa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Libreng Sakay at pinalawig lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hanggang sa Disyembre.

 

TAGS: duterte, Ferdinand Marcos Jr., jaime bautista, libreng sakay, news, Radyo Inquirer, duterte, Ferdinand Marcos Jr., jaime bautista, libreng sakay, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.