Self-confessed killer ni Percy Lapid, 3 pa inasunto sa DOJ
Dumulog na sa Department of Justice ang kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa.
Ito ay para maghain ng kasong murder laban sa suspek na si Joel Escorial at tatlong iba pa.
Si Escorial ay kusang sumuko sa Philippine National Police at umaming siya ang bumaril kay Lapid sa Las Pinas noong Oktubre 3.
Kasama sa asunto ang tatlo pang suspek na sina Edmon Dimaculangan at Israel Dimaculangan, at isang “Orly” o “Orlando” na kasabwat umano ni Escorial.
Ayon kay Mabasa, nais niyang makausap si Escorial dahil magkaiba kasi ang hitsura nito sa personal at sa CCTV na nakuha sa crime scene.
Halimbawa na ayon kay Mabasa ang buhok ni Escorial.
Nakatatakot din aniya ang pahayag ni Escorial na isang taga loob sa New Bilibid Prison ang nag-utos sa kanya na patayin si Lapid.
Hindi naman kasi aniya maikakaila na hindi maganda ang record ng Bilibid kung ang kaligtasan ng mga preso ang pag-uusapan.
Maraming high profile inmates aniya ang napatay sa loob ng Bilibid sa kalagitnaan ng pandemya sa COVID-19.
Pakiusap ni Mabasa sa pamunuan ng Bilibid, i-secure na at siguraduhing ligtas ang itinuturo ni Escorial na nag-utos sa kanya na patayin si Lapid.
Hindi kumbinsido si Mabasa na ang taga Bilibid ang mastermind sa pagpatay sa kanyang kapatid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.