Tiniyak ni Justice Secretary Crispin remulla na hindi siya makikiaalam sa kasong illegal drugs ng kanyang anak na si Juanito Jose Remulla III.
Ayon sa kalihim, hindi niya nakakausap ang anak mula nang maaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.
“I haven’t talked to him since the beginning. I have stayed away from his case. I have not asked anybody any favor,” pahayag ni Remulla.
Tiniyak pa ni Remulla na walang kaugnayan sa DOJ ang abogado ng kanyang anak.
Una rito, inatasan ni Remulla ang mga abogado na huwag nang paabutin sa DOJ ang resolusyon sa kaso ng kanyang anak.
“Face it in court. Don’t let it reach me,” pahayag ni Remulla.
“Siguro I was built for this job as I have encountered so many problems as a professional, politician, and son of a politician and I cannot summon others but me. Matatapos din yan bigyan na lamang ng panahon at tamang oras,” dagdag ni Remulla.
Tiniyak naman ni Remulla na nanatili siyang naka-focus sa trabaho sa kabila ng mga pagsubok na dinaraanan ngayon ng kanyang anak.