Modernisasyon sa PCG, suportado ni Pangulong Marcos
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado ng kanyang administrasyon ang modernisasyon sa Philippine Coast Guard.
Sa pagdalo ng Pangulo sa ika-121 na anibersaryo ng PCG sa Port Area, Manila, sinabi ng Pangulo na makaasa ang PCG ng suporta.
Hindi aniya maglalayag ang PCG sa karagatan ng mag-isa dahil nasa tabi nito ang pamahalaan.
“As your leader, I assure you that this Administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better delivery of service to the nation,” pahayag ng Pangulo.
Maraming taon na aniya na nakatuwang ng pamahalaan ang PCG sa pagtugon sa mga pangangailangan lalo na sa humanitarian at search and rescue missions.
Kung tutuusin ayon sa Pangulo, kahit hindi misyon ng PCG, tumutulong na ito sa mga pangangailangan.
Halimbawa na ang nangyaring pandemya sa COVID-19 kung saan malaki ang papel na ginampanan ng pCG.
Naging frontliner na rin aniya ang PCG sa pagtugon sa maritime territory at pagdepensa sa economic zone at sa mga baselines.
“You likewise take a proactive stance in preventing and mitigating the risks associated with maritime incidents and weather disturbances. And to improve their operational efficiency as vital aids to navigation, you conduct maintenance to our lighthouses to make sure that our fisherfolk and our ships are safely guided in their journey,” pahayag ng Pangulo
“The PCG is likewise crucial to the government’s law enforcement initiatives by ensuring and maintaining peace and order at sea.And the Philippine Coast Guard in the recent past has taken on many new duties. Critical of that is now you are the frontline in the defense of our maritime territory, in defense of our economic zones, in defense of our baselines,” dagdag ng Pangulo.
Hinikayat pa ng Pangulo ang mga tauhan ng PCG na ipagpatuloy lamang ang dedikasyon sa trabaho.
“I urge you to continue your dedication and persistence in your duties and responsibilities and move full throttle towards the realization of your vision to be a world-class guardian of the sea — committed to save lives, assure safer maritime transportation, ensure cleaner seas, and secure maritime jurisdiction,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.