Hirit na surge fee sa pasahe sa jeep, logical ayon sa DOTr
Mayroong logical request ang hirit ng mga drayber ng pampublikong sasakyan na itaas ang pamasahe tuwing rush hour.
Sa hirit ng grupong Pasang Masda, dapat na dagdagan ng piso ang P12 na minimum na pamasahe sa tradisyunal na jeep at P14 na pamasaheo sa modernong jeep mula 5:00 hanggang 8:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.
Sa ambush interview sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Coast Guard sa Manila, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na balido naman ang rason ng mga drayber lalot patuloy na tumataas ang presyo ng produktong petrolyo.
WATCH: Transportatiion Secretary Jaime Bautista on fare surcharge during rush hour: I think it is a logical request because of the fuel price increase. @radyoinqonline pic.twitter.com/hJsv27Bh2s
— chonawarfreak (@chonayu1) October 19, 2022
Nauunawaan aniya ng DOTr ang hinaing ng mga drayber dahil sa matindi na ang epekto sunod-sunod na oil price increase.
Pero sa ngayon, pinag-aaralan pa aniya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hirit ng Pasang Masda.
Kailangan din kasi aniyang balansehin ang sitwasyon ng mga pasahero na maapektuhan ng pagtataas ng singil sa pasahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.