Sen. Bato dela Rosa sinabing agad magkakasa ng ‘Bilibid crime trade’ hearing

By Jan Escosio October 19, 2022 - 08:04 AM

Magpapatawag na ng pagdinig si Senator Ronald dela Rosa para maimbestigahan ang pagbubunyag ng self-confessed killer sa Percy Lapid slay-case na taga-loob ng pambansang piitan ang nag-utos sa pagpatay.

Tugon ito ni dela Rosa sa resolusyon na inihain ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Unang hiniling ni Revilla Jr., na magsagawa ang Committee on Public Order, na pinamumunuan ni dela Rosa, sa pagbubunyag ni Joel Escorial, ang sumuko at umamin na pumatay kay Lapid.

Agad din sinabi ni dela Rosa ang dalawang pamamaraan na sa kanyang palagay ang makakapagpahinto ng kriminalidad sa loob ng Bilibid.

Una aniya ay ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan at ikalawa naman ay ang pagpapatayo ng modernong pambansang piitan sa malayong lugar.

Sinang-ayunan nito ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon para matukoy na ang utak sa pagpatay kay Lapid.

TAGS: Bilibid, Death Penalty, Senate, Bilibid, Death Penalty, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.