LPA sa Luzon naging Tropical Depression Obet

By Jan Escosio October 19, 2022 - 07:32 AM

Naging Tropical Depression Obet ang binabantayang low pressure area sa extreme Northern Luzon.

Sa 5am update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 1,055 kilometro silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabpt sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ang panibagong bagyo sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Inaasahan na ang malakas na pagbuhos ng ulan ay magsisimula gabi ng Biyernes o kinabukasan, araw ng Sabado, sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao at bahagi ng Cagayan.

Maaring magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang lugar sa Hilagang Luzon ngayon gabi o bukas.

TAGS: Bagyo, northern luzon, Pagasa, Bagyo, northern luzon, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.